Kalaboso ang isang 45 anyos na lalaki, walang asawa, walang trabaho at naninirahan sa Barangay Marcelo Alberto, Virac, Catanduanes at kinilalang si alyas Boboy. Huli si Boboy na nagbebenta ng isang unit ng .38 Caliber sa isang nagsilbing poseur buyer at nakuhanan din ng dalawang bala. Nakuha din sa nasabing operasyon ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu.

Isinagawa ang nasabing operasyon nitong Enero 6, 2022, bandang 8:30 ng gabi sa Barangay San Isidro Village, Virac na pinangunahan ni PEMS Primarion F Magana Jr ng Virac Municipal Police Station kasama ang Catanduanes Provincial Intelligence Unit at Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (RPDEU5) base sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang nasabing suspek ay dati nang nakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 noong Hulyo 8, 2020 at kasalukuyang nakasailalim sa probation.

Inihahanda na ng Virac MPS ang mga kaukulang dokumento upang masampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o An Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations Thereof.

Ayon kay Officer in-Charge PMAJ ROBERT KEVIN T CAPARROSO, ang nasabing pagkaaresto kay Boboy ay bunga ng E-sumbong mo Kay Tsip Hotline kung saan nakakatanggap ang himpilan ng mga impormasyon laban sa mga krimen at anumang paglabag sa batas. Sa muli, hiniling ni PMAJ CAPARROSO sa publiko na maging mapagmatyag at alerto sa kapaligiran at wag matakot na magsumbong sa otoridad para sa agarang aksyon.

Source: Virac MPS


Leave a comment..



[fb_plugin comments]