Pinalawak pa ng Department of Education (DepEd) ang K to 12 curriculum, kung saan kasama sa ituturo na rin ang financial education.

Ayon sa DepEd, layon nitong mapaunlad ang karunungan ng mga mag-aaral, mga guro at pati na mga kawani nito pagdating sa financial literacy, at tulungan ang mga itong gumawa ng mga tamang pagpapasya sa pananalapi

Tinukoy ng kagawaran ang resulta ng survey ng BSP, kung saan lumalabas na 41 percent lang ng mga Pilipino ang kayang sagutin ng tama ang isa sa tatlong tanong sa financial literacy.

Sa ilalim ng Financial Education Policy na inilabas ng DepEd, kabilang sa mga ituturo sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto sa pinansiyal, at kakayahan paano kumita ng salapi, pag-iipon, paggastos, pag-budget, pagdo-donate, pamumuhunan, pagpaplano, consumer protection, at pagnenegosyo.

Samantala, pangungunahan ng National Educators Academy of the Philippines (NEAP) ang capacity at competency building sa mga guro, upang mabigyan sila ng kaalaman sa financial education partikular na ang konsepto, core messages, at tulungan din sila sa kanilang financial management skills na naka-angkla sa target ng DepEd, na bumuo ng financially literate at debt free teaching and non-teaching force.

#RadyoPilipinas



Source Radyo Pilipinas Catanduanes

Leave a comment..



[fb_plugin comments]