Higit isang libong mga traysikel draybers ang mabibiyayaan ng fuel subsidy mula sa National Gov’t sa Bayan ng Virac, Catanduanes.

Ayon kay Virac Mayor Sinforoso Posoy Sarmiento, higit isang libong mga draybers ang nagpasa ng kanilang mga requirements para maka-avail ng fuel subsidy mula sa Pamahalaang Nasyunal.

Ang mga naipasang mga dokumento ay kanila nang na-isubmit sa DILG sa lalawigan.

Direkta umano itong matatanggap ng benipesyaryo at hindi na dadaann pa sa Munisipyo.

Dagdag pa ni Mayor Sarmiento, na marami rin ang naghabol at nagbabakasakaling makatanggap pa ng nasabing ayuda. Ngunit hindi rin nila sigurado kung mabibigyan pa ito dahil nakadepende di-umano ito sa budyet na ibinigay sa lalawigan.

Sa ngayon ay naghihintay pa rin ang ilang mga draybers at umaasa na mabigyan ng Php6,500 na ayuda.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..



[fb_plugin comments]