Ginanap ang ikalawang deliberasyon ng Regional Oversight Committee (ROC) para sa Barangay Drug Clearing Program sa probinsya ng Catanduanes nitong Disyembre 1, 2021 bandang alas-dos ng hapon na ginanap  sa 3rd Floor Conference Room ng Provincial Capitol Building, Brgy. Francia, Virac na pinangunahan ni ATTY. GIL T. PABILONA, Regional Director, Philippine Drug Enforcement Agency, Chairman ng nasabing komite sa pamamagitan ng Virtual na deliberasyon.

Idineklarang DRUG CLEARED BARANGAYS ang mga Barangay Buyo, Constantino, Danicop, Gogon Centro, Ibong Sapa, Lanao, Palnab Del Sur, San Vicente, Simamla at Sogod Tibgao Bliss, Virac, Catanduanes samantalang idineklarang DRUG FREE BARANGAYS naman ang Barangay Dugui Too, Dugui San Vicente at Dugui San Isidro, Virac, Catanduanes matapos ang mahabang proseso at pagbibigay katunayan na ang mga nasabing barangay ay hindi na apektado ng illegal na droga. Ang nasabing mga barangay ay dapat na mapanatili ang pagiging Drug Cleared at Drug Free upang hindi mabawi ang nasabing parangal.

Ang nasabing deklarasyon ay dinaluhan at sinaksihan ng Mayor ng Virac, Hon. Sinforoso M. Sarmiento, Jr, MLGOO VI Jose Rogel Maglaqui, PMAJ ANTONIO I PEREZ, Chief of Police at ang mga Punong Barangay ng mga nasabing barangay.

Sa 63 na barangay sa bayan ng Virac ay may 33 barangays na ang Drug Cleared sa 48 na barangay na apektado ng ilegal na droga at 15 barangay naman na Drug Free Barangays na hindi apektado ng ilegal na droga batay sa sertipikasyon na nilagdaan ng Chief of Police ng Virac, Municipal Mayor at Regional Director ng PDEA Region 5. May nalalabi pa na 15 barangay ang hindi pa nadedeklara na Drug Cleared barangay. 

Ang Barangay Drug Clearing Program ay isang whole-of-nation approach upang matugunan ang kampanya laban sa ilegal na droga sa tulong ng mga iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at komunidad at mga pribadong organisasyon at hindi na kumalat pa ang ilegal na droga sa bansa na itinuturing na isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng krimen sa isang lugar at sumisira sa buhay at pamilya lalong lalo na sa mga kabataan at sa pamayanan.

Source: Virac MPS


Leave a comment..