Umabot na sa 14 ang bilang ng kaso ng mga naputukan sa Rehiyong Bicol umpisa Disyembre 21 nang nakaraang taon hanggang Enero 4, ngayong taon, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health ngayong araw.

Tatlo ang biktima ng paputok sa lalawigan ng Albay, lima sa Camarines Sur, at tig-iisang kaso naman ang Masbate, Sorsogon, Naga City at Legazpi City, habang wala namang naitala na naputukan sa Probinisiya ng Catanduanes.

Mas mataas naman ang bilang ng mga nabiktimang lalaki, habang mula edad 7 ang pinakabata hanggang 50 pataas ang pinakamatanda na naging biktima ng paputok.

Kwitis at ipinagbabawal na five star firecracker ang nangungunang sanhi na ginamit ng mga biktima.Samantala, ngayong araw naman ang muling monitoring ng DOH sa firecraker related injuries sa rehiyon.

Source: DOH Bicol


Leave a comment..