Kasulukuyan na nagagamit na ang labing lima (15) closed-circuit television (CCTV) cameras at napapanood na ito sa dalawang malaking monitor sa loob ng Virac Municipal Police Station.

Kabuuang pondo na aabot sa 2.1 milyong piso ang inilaan sa nasabing proyekto galing sa Peace and Order and Public Safety Plan Fund.

May kakayahan umano itong mag-zoom in ng ilang metro habang napapanatiling malinaw, at kaya nilang pagalawin ang ilang cameras ng 360 degrees.

Inaasahan naman ni Virac Chief Perez na matatapos ang paglalagay ng mga nasabing cameras ngayong taon.

Samantala higit dalawangpu (20) handheld radios ang kanilang binili upang magamit sa mga  operasyon ng mga pulis sa nasabing Bayan.

#RadyoNatinViracFM

#YourFriendYourRadio

| via Radyo Natin Virac



Leave a comment..



[fb_plugin comments]