Tumanggap ng P2,000 cash grant mula sa pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes ang 250 miyembro ng LGBT Community sa bayan ng Virac nito lamang June 15.

Ito’y bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo.

Sa isinagawang aktibidad ay nagpaabot ng mensahe si Governor Joseph Cua kung saan ay nagpahayag ito ng suporta at pagpapahalaga sa LGBT community. Binigyang diin nito na ang nasabing aktibidad ang simula ng mas inclusive na taunang selebrasyon ng Pride Month sa lalawigan.

Kabilang sa mga inihandang aktibidad ng PLGU para sa selebrasyon ng Pride Month ngayong taon ang Pride Symposium, HIV screening at Pride March na gagawin sa June 23 at 25.

Source: PLGU Catanduanes


Leave a comment..