Dalawampu’t anim (26) ang bagong kumpirmadong kaso ng Covid-19 na naitala sa Catanduanes, batay sa ulat ng DOH Bicol ngayong araw, Setyembre 2.

Sampu (10) dito ang mula sa bayan ng Virac, lima (5) mula sa bayan ng Bato, tatlo (3) sa Pandan, tigdalawang kaso naman sa mga bayan ng Baras at San Miguel at tig-iisa naman mula sa mga bayan ng Caramoran, Gigmoto, Panganiban at Viga.

Una nang nanawagan sa publiko si Dr. Robert John Aquino ng DOH Catanduanes na mas paigtingin pa ang pag-iingat sa Covid-19 matapos na muling isailalim sa Alert Level 3 ang Catanduanes at makapagtala ng Alpha at Beta variants sa lalawigan.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..



[fb_plugin comments]