3 katao ang hinarang ng mga otoridad sa Mamangal, Virac pasado alas-7 kagabi, Enero 27, matapos magtangka ang mga itong makapasok sa Catanduanes lulan ng nirentahang bangka mula sa Tabaco, Albay, nang walang anumang dokumento.

Ang nasabing mga pasahero ay mula sa Barangay Mayngaway (2) at Codon (1) sa San Andres.

Napag-alamang hindi nag-apply sa S-PASS at hindi sumailalim sa RT-PCR testing ang mga ito.

Agad namang naiturn-over kagabi sa MDRRMO San Andres ang mga ito at sa ngayon ay nananatili sa isang quarantine facility at nakatakdang isailalim sa testing.

Tiniyak ng IMT na ang ganitong mga gawain ay may naghihintay na kaukulang kaparusahan.

Ang Catanduanes ay nananatili pa rin sa Alert Level 3 at tanging mga APOR at essential travellers lamang ang pinapayagang makapasok mula sa mga lugar na nasa kapareho/mas mataas na quarantine classification.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..