Planong bilhin ng Department of Public Works and Highways ang apat (4) na breath analyzer upang magamit sa pag test ng mga motoristang naaksidente para malaman kung ito ay nakainom o hindi.

Ayon kay DPWH Catanduanes District Engineer Gil Augustus Balmadrid, ito ay makakatulong sakanila upang malaman kung gaano karami ang naaksidenteng nasa impluwensya ng alak. 

Aniya, may kamahalan ang nasabing equipment kung  kaya’t paghahatian ang paggamit ng 11 munispyo sa 4 na breath analyzer na bibilhin kung saan naroon rin ang personahes ng kanilang opisina na hahawak nito.

Samantala, plano na rin ng kanilang opisina na magbuo ng isang rescue office na maaaring umalalay sa Red Cross Catanduanes at mga Disaster Office sakaling mayroon mang sakuna o aksidente sa lalawigan.

Sa katunayan ay nagsasailalim na ang kaniyang mga tao sa training kung saan mayroon na umano silang Memorandum of Agreement sa Red Cross.

Dumating na rin umano at patuloy na kinukumpleto ang kanilang mga heavy equipment bilang paghahanda sa pagresponde ng kanilang opisina sa ano mang sakuna. Asahan na darating na ngayong taon ang kanilang mga kagamitan.

Paliwanag lamang ni DE Balmadrid na katulong o “force multiplier” ang kanilang himpilan sakali mang kinakailangan ng rescue o responde sa ano mang sakuna.

📷 Rey Boton

#RadyoNatinViracFM

#YourFriendYourRadio

Source: Radyo Natin Virac



Leave a comment..



[fb_plugin comments]