Kalaboso ang isang lalaki matapos ang isinagawang Anti-Illegal Drug Operations (buybust operation) nitong May 19, 2022, bandang 2:27 ng hapon sa Moonwalk, Calatagan Proper, bayan ng Virac na pinangunahan ng Virac MPS, kasama ang PDEA Catanduanes, Catanduanes Provincial Intelligence Unit at Regional Drug Enforcement Unit5 na pinamunuan ni PLT ARNEE JULIUS G DEDASE, Intel Officer ng Virac MPS.

Isang 40 anyos ang ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at nakilalang si alyas “Tonton” binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Gogon Sirangan, Virac.

Nakuha sa nasabing operasyon ang pitong (7) pakete kabilang na ang “Subject for Sale” na naglalaman ng pinaghihinalaang “Shabu” at tinatayang aabot sa sampung (10) gramo na may street value na Php 68, 000.00. Kumpiskado din sa nasabing operasyon ang Php 500.00 na ginamit sa buybust operation at ilang boodle money.

Si alyas “Tonton” ay kasalukuyang nasa himpilan ng Virac MPS habang sumasailalim sa booking procedure at habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165.

Ang Virac MPS kasama ang ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy na nananawagan na itigil na ang paggamit at pagbenta ng ilegal na droga dahil wala itong maidudulot na kabutihan sa sarili at sa pamayanan. Hinihikayat din ang publiko na maging mapagmatyag at magbigay impormasyon sa himpilan upang masawata ang paglaganap ng ilegal na droga sa bayan ng Virac.

Source: Virac MPS


Leave a comment..