Maaari nang sumakay ng nasa 100 percent capacity ang mga pampasaherong traysikel sa Virac ayon kay Mayor Sinforoso Sarmiento Jr.

Ito ay matapos isailalim na sa Alert Level 1 Status ng IATF ang Catanduanes nito lamang Marso 1, 2022.

“Iimplement ta po iyan diretso kasi automatic implementable na po iyang IATF Rules nita, so balik na po sa regular na pasada po para satong mga traysikel. Pero kaipuhan ta po an sabuton na dae pa man syempre kita na face to face classes, expect ta nita, na diit pa sana ang pasahero. Ikaduwa ang presyo nin gasolina ngunyan nagabot na sa ₱72.00, unlike sa pagpoon nita.”

Hindi na umano kailangan pa ng Executive Order para sa mga traysikel dahil base na umano sa IATF rules ay maaari ng sundin ang 100 percent capacity para sa public transportation kabilang rito ang land, aviation, maritime, at rail.

“Hindi na kailangan ng EO, in the meantime na wala kaming guidelines, yung IATF rules ang susundin kung gagawa naman kami ng guidelines, nakaayon, at hindi kami komontra sa IATF.”

Samantala nakatakda namang magsagawa ang LGU Virac ng public hearing para sa gagawin na Executive Order para naman sa pasahe sa traysikel dahil sa tumataas na presyo ng petrolyo ngayon.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..