Kaugnay ng nalalapit na May 9 elections, puspusan ngayon ang ginagawang voters’ education at volunteers orientation sa Catanduanes ng Caritas Virac Justice and Peace Incorporated, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel), sa pakikipagtulungan din ng COMELEC.

Ayon kay. Rev. Fr. Renato Dela Rosa, Director ng Caritas Virac, tatlo sa labing isang bayan sa probinsya ang kanila nang napuntahan para isagawa ang naturang aktibidad. Ito ang mga bayan ng Bagamanoc, San Andres at Bato.

𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀 𝗩𝗶𝗿𝗮𝗰, 𝗣𝗣𝗖𝗥𝗩 𝗮𝘁 𝗡𝗔𝗠𝗙𝗥𝗘𝗟, 𝗽𝘂𝘀𝗽𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘃𝗼𝘁𝗲𝗿𝘀’ 𝗲𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝘃𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿𝘀 𝗼𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀

Layon aniya ng aktibidad na maturuan ang mga botante ngayong eleksyon sa tamang pagpili ng kandidato habang sa orientation naman ay inihahanda aniya nila ang kanilang mga volunteers na magsisilbi sa mismong araw ng eleksyon.

Inihayag din ni Dela Rosa na kasabay nito’y nagsasagawa rin ang kanilang grupo ng candidates forum sa bawat bayan na kanilang pinupuntahan. Dito ay binibigyan aniya nila ng pagkakataon ang mga lokal na kandidato na makapagpahayag ng kanilang intensyon at plataporma sa taumbayan.

Patuloy aniya silang maglilibot sa probinsya para dito at inaasahang sa April 29 naman isasagawa ang katulad na forum para sa mga tumatakbong kandidato sa provincial level.

Source: Radyo PIlipinas Virac Catandaunes


Leave a comment..