Ayon sa facebook post ni Concepcion Punong Barangay Anthony Arcilla, sinikap nila na maisailalim sa antigen test ang mga bata para na rin sa kanilang kaligtasan.

Dagdag pa niya na,lumabas ang resulta ng test at nagpositibo sa antigen test ang apat na lalake na may edad 3, 6, 7, at 11 at tatlong babae na may edad 4, 7, at 11, kasama na rin ang isang ina na una ng nag-asiste sa mga bata.

Isasailalim umano ang mga nagpositibo sa confirmatory RT-PCR test ayon sa RHU. Habang naka-isolate na ang mga ito. Matatandaan na nadiskubre ng konseho ng Concepcion ang itinapon na mga medical waste katulad ng mga heringgilya, PPEs, tubes na may blood samples, at mga nagamit ng antigen test mula sa Excel Care Diagnostic and Wellness Center sa baybayin ng kanilang Barangay, Linggo, Enero 23.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..