Ayon kay SUWECO Vice-President Operations Engr. Dan Pilones ang karagdagang pitong (7) High Tech Power Generator Sets ay mayroong tig 1.0 megawatt dependable capacity at 1.2 megawatt rated capacity bawat generator.

Ito ay makakatulong upang maibsan at mabawasan ang brown outs lalo na sa Feeder 5A at Feeder 5B or Virac area. Mapapabilis din ang power restoration sa isla.

Dahil ang mga makinang ito ay konektado sa SCADA. Mas mapapadali narin ang restoration process, starting ng gensets sa pamamagitan ng SCADA incorporation. Nakapag usap narin ang SUWECO at FICELCO patungkol sa SCADA incorporation ng ficelco feeders.

Sa pamamagitan ng SCADA (Supervisory Control and Data Aquisition) incorporation mas madali naring ma-identify or matukoy kung saang feeder o linya ang may deperensya.

Makakatulong din ang SCADA sa FICELCO dispatchers upang madaling malaman kung ano ang load requirement ng Catanduanes sa bawat minuto.

Sa pakikipag ugnayan ng SUWECO sa FICELCO nagkaroon ng pag-aaral ang SUWECO upang malaman kung ano ang possibleng dahilan ng Power System Failure dito sa isla. Natukoy sa kanilang pag-aaral na line faults sa 13.2KV distribution system ang dahilan.

Nabanggit din ni Engr. Dan Pilones na malaki ang maitutulong ng feeder switches sa Marinawa at Balombong para sa Feeder 4, Feeder 5A, Feeder 5B, Feeder 1 at Feeder 2.

Palagiang nakikipag ugnayan ang SUWECO team sa FICELCO upang mailatag ng power distribution utility ang mga problema nila sa linya at para matulungan sila ng Power Provider na unti-unti nilang mahanapan ng solusyon ang problema ng Ficelco sa brown outs.

Makikita sa larawan ang ilang opisyal at Engineers ng SUWECO na sina Vice-president Operations Engr. Dan Pilones, SUWECO- Spokesperson Ms. Lorenza Rojas, Business Unit Head Mr. Floro Barrameda at Mechanical Engr. Angelo Panganiban na bumisita at kanilang inenspeksyon ang mga bagong dating na brand new power gensets.

Source: RS News


Leave a comment..