Umabot na sa 98% ng mga senior citizen sa lalawigan ng Catanduanes ang nabakunahan na kontra Covid-19.

Batay ito sa huling tala ng Department of Health Bicol kaugnay ng vaccination coverage sa rehiyon.

Sa kabuuang populasyon na 23,456 na seniors sa Catanduanes, 22,886 na dito ang tumanggap ng full dose ng bakuna.

Ang 98 percent na vaccination coverage sa mga seniors ng Catanduanes ay pinakamataas kumpara sa lahat ng mga probinsya at siyudad sa Bicol.

Samantala, ang lalawigan ng Catanduanes pa rin ang nangunguna sa bakunahan kontra Covid-19 sa buong rehiyon. Sa ngayon ay 64% na ang overall accomplishment ng Catanduanes. Sinundan ito ng Sorsogon na may 56% accomplishment, 55% sa Camarines Sur, 53% sa Albay, 52% sa Camarines Norte habang 45% naman sa Masbate.

Maaalalang sinabi ni DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera ang posibilidad na ang Catanduanes ang kauna-unahang lugar, hindi lamang sa Bicol Region kundi maging sa labas ng National Capital Region, na maidedeklara ang herd immunity.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..