Pormal nang inilunsad ng Eastern Bicol Medical Center (EBMC) ang kanilang Acute Psychiatric Unit (APU) kahapon, Marso 16.

Ang APU ay ‘one-bed capacity room’ sa EBMC na magbibigay serbisyo sa mga pasyenteng nangangailangan ng ‘psychiatric admission’.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ni Mr. Lemuel P. Surtida, Provincial Administrator, Dr. Hazel M. Palmes, Provincial Health Officer, Dr. Vietrez D. Abella, EBMC’s Chief of Hospital at Dr. Rucelle C. Zuniega, Head ng EBMC APU.

Tumatanggap na ngayon ng mga pasyente para dito ang EBMC.

Maaring tumawag o mag-text sa 0908 499 0867 para sainyong mga referral.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..