Huli sa isinagawang Anti-Drug Operation ang isang lalaki sa bayan ng Virac matapos ang buybust operation na pinangunahan ng PDEA Catanduanes kasama ang mga elemento mula sa Virac MPS nitong Pebrero 2, 2022, bandang alas-singko ng hapon sa Barangay San Roque, bayan ng Virac.

Nakilala ang arestado na si Danny Christian Domingo, 40 anyos, residente ng San Roque, Virac.

Dalawang (2) pakete ng hinihinalang “shabu” ang nakuha sa nasambit operasyon na tinatayang humigit-kumulang sampung (10) gramo at nagkakahalagang umaabot sa Php 68,000.00. Kumpiskado din sa nasabing operasyon ang Php 1,000.00 na ginamit sa buybust operation at sinaksihan ng mga opisyal ng barangay at personalidad mula sa DOJ.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Domingo ay dati nang nakasuhan ng paglabag sa RA 9165 noong Enero 13,2018 subalit ito ay naabswelto. Bunsod ng mga natatanggap na report mula sa Isumbong mo Kay Tsip Hotline sa muli nitong pagiging aktibo umano sa mga transaksyon ng ilegal na droga kaya naikasa ang nasabing operasyon.

Sa kasalukuyan, ang arestado ay nakaditine sa himpilan ng Virac MPS habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento upang masampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: Virac MPS


Leave a comment..