Nagpapatuloy ngayon, Marso 9, ang isinasagawang pagproseso ng mga aplikasyon para sa April 9-10 2022 PNP Entrance and Promotional Examinations.

Simula mamayang hapon hanggang Biyernes, Marso 11, ay tatanggap na ng ‘walk-in applicants’ ang NAPOLCOM Bicol subalit eksklusibo lamamg ito para sa mga taga-Catanduanes.

Ang nasabing aktibidad ay naging posible sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa NAPOLCOM Bicol.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..