Dumating ngayon umaga sa Virac, Catanduanes si Most Reverend Charles John Brown , Apostolic Papal Nuncio to the Philippines kasama ang matataas na opisyal ng simbahang katoliko sa bansa upang daluhan ang  solemn blessing and dedication ng Virac Cathedral dakong alas 4:00 ng hapon,  Agosto 27 . Kasamang dumating ng mga opisyal ng simbahan, sakay ng Cebu Pacific si Catanduanes Lone District Congressman Hector S. Sanchez, upang daluhan ang naturang kaganapan.

Ang mga panauhin ay sinalubong sa airport   sa pangunguna ni Most Rev. Bishop Manolo A. de los Santos ng Diocese of Virac, Mr. Prince Subion na representative ni Gov. Joseph C. Cua, Vice Gov. Shirley A. Abundo, Virac Mayor Sinforoso M. Sarmiento Jr., Vice Mayor Arlynn H. Arcilla, at PIA Info Cen ICM Edna A. Bagadiong at maraming iba pa.

Tinatayang 646 ang bisitang imbitado na pwedeng papasukin sa loob ng Cathedral mamayang hapon kaugnay ng naturang event, bilang pagsunod sa minimum health and safety protocol ng gobyerno.

Ayon naman kay Fr. Filbert V. Reyes, ang misa sa solemn blessing and dedication ay aabutin ng tatlong oras. Ito ay pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Fuerte Cardinal Advincula, kasama sina Archbisop of Caceres Rolando Octavus Joven Tria Tirona at iba pang mga obispo.

Dahil sa pandemya, bilang pagtupad sa minimum health standards, ang pisikal na pagdalo sa misa ay para sa mga naimbitahan lamang. Subalit ang lahat ng parshioners ay iniimbitahang manood na lamang ng selebrasyon sa online streaming ng Diocesan Facebook Page, ayon sa Diocese.

📸 PIA- EABagadiong

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes


Leave a comment..