Binata, Kalaboso sa pagbebenta ng baril at Pagdadala ng Droga

Timbog sa entrapment operation ang isang binata matapos makuhanan ng baril at droga sa isinagawang Gun Bust Operation na pinangunahan ng Virac MPS na pinamunuan ni PLT ARNEE JULIUS G DEDASE, Intel Officer, kasama ang mga elemento Catanduanes Police Intelligence Unit nitong Abril 20, 2022 bandang alas-otso ng gabi sa Barangay Concepcion, Virac, Catanduanes.

Nakilala ang arestado na si Francisco Sorreda, alyas “Kanor”, 32 anyos, binata, isang construction worker, at residente ng Barangay Marcelo Alberto, Virac.

Nakuha sa nasabing operasyon ang isang .38 caliber at tatlong (3) live ammunitions matapos makipagpalitan ng pera sa nagpanggap na buyer at nakuhanan din ang nasabing binata ng isang (1) pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu at ang boodle money na ginamit sa naturang transakyon.

Si Sorreda ay dati ng nakasuhan at nakulong dahil sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 noong Mayo 22, 2018 at itinuturong lider ng “Sorreda Gang” na nagsasagawa ng mga nakawan sa bayan ng Virac at pagbebenta ng baril at ilegal na droga.

Inihahanda na ng Virac MPS ang mga kaukulang dokumento upang masampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in Relation to COMELEC Resolution No. 10741. Sa kasalukuyan, ang nasasangkot ay nasa kustodiya ng Virac MPS.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..