Kaisa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pamahalaang lokal ng Virac sa paghahanda para sa pagsisimula ng Face-to-Face classes ngayong buwan. Inilunsad ang Brigada Eskwela ’22 ngayong hapon sa Catanduanes National High School Covered Court bilang hudyat sa paghahandang ito magmula Agosto 1 hanggang 26. Katuwang ng mga guro ang lokal na pamahalaan, mga magulang, opisyal ng barangay at iba pang sektor upang matiyak ang malinis at maayos na mga paaralan sa pagsimula ng kanilang klase.

Bilang kahalili, si Virac Municipal Administrator Jose “Ping” Taraya ang nagpa-abot ng panatang ito. Nagtutulungang sambayanan kailangan para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral tungo sa pag-unlad ng ating bayan. Go Shine Virac.

Source: GO SHINE VIRAC FB page


Leave a comment..