Hindi pa umano handa ang Catanduanes State University sa posibleng face to face classes ng mga estudyante ayon kay CatSU President Dr. Patrick Azanza.

Aniya, pinag-aaralan pa nila ito dahil marami pa umanong dapat na ayusin sa Unibersidad.

“Pinag-aaralan namin yan, hindi kami nagmamadali dahil gaya ng dati kong nasabi, importante sa lahat yung buhay, hindi po kami nagmamadali na bumalik mag-face to face. Kasi tayo ay nabagyohan maraming nasirang mga classrooms at napakahalaga ng social distancing.”

Batay sa kanilang imbentaryo, halos 50 porsyento ng mga classrooms ang nasira ng Super Typhoon Rolly.

Dagdag pa ni Dr. Azanza, wala pa sa 70 porsyento ang bakunadong mga estudyante at kailangang habulin ang di bababa sa 90 porsyento na mga estudyanteng bakunado sa nasabing Unibersidad.

Posibleng umpisahan umano ang limited face to face ng mga estudyante sa kolehiyo sa buwan ng Hunyo o Hulyo ngayong taon.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..



[fb_plugin comments]