Nagsasagawa ng Pay out ang Department of Agriculture (DA) sa CatSU Gynasium ngayong araw ng Miyerkules, Enero 12, sa isang libong magsasaka mula sa mga bayan ng Virac at San Andres na benepisyaryo ng Rice Farmers Financial Assistance mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund ng DA.Ayon sa ulat na nakalap ng Radyo Pilipinas, may ibinaba na listahan ng mga ‘parauma’ ang Department of Agriculture sa Municipal Agricultural Offices, kung saan bibigyan ng tig-P5,000.00 cash assistance bawat rice farmer na benepisyaryo. Ito’y tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka na naapektuhan ang kabuhayan matapos ang nagdaang mga kalamidad na pinalala pa ng kasalukuyang pandemya.

Ayon sa Virac Rice Sector, ang mga nakasali umano sa listahan ay ang mga naunang nakapag-rehistro sa RSBSA ng DA. Ang lista ng mga rice farmers ay naihatid agad ng LGU sa mga barangay.Ayon pa sa ulat, ang mga recipienteng ito ay ang mga rice farmers na walang problema ang mga datos sa application kaya diretsong nailagay sa registry ng naturang departamento.Matatandaan na may mga applications sa programa na ibinalik ang dokumento sa aplikante, dahil sa ilang hindi tugmang datos na inilagay sa mga dokumentong dapat isama.

Ayon sa rice sector, nasa 500 ang rice farmers na napasali sa Virac at makaka-avail ng nasabing ayuda. Nasa isang libo ang kabuuang bilang ng total na rehistro sa DA, nagsispila ngayon sa loob at labas ng CatSU.Kaugnay nito, umaasa ang pamahalaan na makakatulong kahit papano ang naturang halaga sa mga magsasaka, habang patuloy ang mga ito sa kanilang pagtatanim sa kanilang sakahan.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..



[fb_plugin comments]