Mas pinaigting natin ang kampanya ng lokal na pamahalaan ngayon laban sa paglaganap ng sakit sa ilalim ng Dengue Awareness Campaign. Ang tema ng ating kampanya ngayon: “if they breed, you will bleed”. Ang kampanyang ito ay bunsod ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan kung saan namamataan ang pagdami ng kaso ng nabibiktima ng Dengue. Ang Dengue pa rin ang isa sa pinaghahandaang sakit sa panahon ng tag-ulan dahil wala pa itong lunas kundi ang alalayan lamang ang nabiktima hanggang lumipas ang impeksyon. Karaniwan itong kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok kaya kabilang sa tinututukan ng pamagalaang lokal ang paglinis ng kapaligiran upang maiwasan na pangitlogan ng lamok. Magtulungan po tayo sa pagpanatili ng kalinisan, Go Shine Virac.

Source: GO SHINE VIRAC fb page


Leave a comment..