Pormal nang inilunsad ng DepEd Catanduanes, sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Susan Collano, ang kanilang learning recovery program nitong Mayo 17, upang mapagtuunan ng pasnin ang ‘learning losses’ sa mga mag-aaral na dulot ng pagsasara ng mga paaraln dahil sa pandemya.

Tinawag ang nasabing learning recovery plan bilang CARE in RAISE o Commitment, Accountability, Resiliency, and Excellency (CARE) in Recovering for Academic Achievement by Improving Institution through Sustainable Evidence-based Learning Program (RAISE) kung saan nakahanay rin ito sa RAISE program ng kagawaran ng edukasyon.

Ayon kay SDS Collano, nasi nilang magproduce ng ‘grade ready learners’ kung saan aniya lahat ng competencies ay nasa mag-aaral para sa partikular na grade level. Dagdag pa niya, isa sa mga stratehiya nila rito ay ang tinatawag na ‘Full Refresher’ para sa mga mag-aaral na nasa Grades 1-3 na hindi pa gaanong nakakapag-basa.

Sa mensahe ni DepEd Assistant Regional Director Ronelo Al Firmo, pinaalalahanan niya ang mga guro na dapat ay maging ‘holistic’ palagi ang approach sa mga kabataan at mga magulang.

Samantala, naroon din sa nasabing launching sina Governor Joseph Cua at Chairman ng Committee of Education sa Sangguniang Panlalawigan PBM Robert Fernandez na nagpahayag ng kanilang suporta sa DepEd Catanduanes para sa programang ito.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..



[fb_plugin comments]