Nilinaw ni Dr. Vietrez Abella, Hepe ng Eastern Bicol Medical Center (EBMC) dito sa Virac, Catanduanes, na hindi pa magagamit sa ngayon, ang sampung units ng Dialysis Machines na binigay ng Department of Health, dahil may mga rekisitos at proceso pang dapat gawin bago ito ipagamit sa pasyente.

Ayon kay Abella, kailangang lakarin ang application ng accreditation nito, sa Department of Health at Philhealth. Kailangan ding ipasailalim sa  kaukulang training  sa paggamit ng dialysis machine, ang mga health personnel nila. Ayon kay Abella, tanging NKTI ang nag bibigay ng  kaukulang training tungkol dito. Ang masaklap nga lang dahil pandemya, at wala d offering na ganito sa ngayon ang NKTI.

Ang paglilinaw ay ginawa ni ABella ngayong umaga sa Catanduanes Monitor Program ng Radyo Pilipinas, kaugnay ng katanungan ng publiko, kung pwede nang mag padialysis dyan sa EBMC. Ito’y matapos mapabalita ang pagkakaroon ng mga dialysis machines sa EBMC, sa ginanap na  launching ng Malasakit Center,  nitong nakaraang araw.

Kaugnay nito humingi ng pang unawa si Dr. Abella sa sitwasyon ito. Ayon sa kanya,  bilang hepe ng EBMC hindi nya mapapayagang basta na lang mag accomodate ng dialysis patient ang hospital na hindi pa maayos ang lahat. Aniya,  “maselan ang bagay na ito, dahil buhay ng tao ang nakasalalay dito”, mariing sabi ni Abella.

Sa kabilang dako, binanggit ni Abella na may dalawang pa namang dialysis machines na ginagamit doon  sa JMA District hospital sa San Andres, at meron din naman Dialysis Center sa Catanduanes Doctors Hospital Inc dito sa Virac.

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes



Leave a comment..