EODK9 Unit ng Catanduanes Nagsagawa ng Sniffing at Clearing Operations

Nagtagal ng isang oras ang pagsara ng kalsada sa tapat ng Kampo Camacho nitong umaga, ika- 23, 2022 matapos ang isinagawang Sniffing at Clearing Operations ng Explosive Ordnance Disposal & Canine Unit (EODK9) ng probinsya.

Ayon sa pamunuan ng naturang yunit, nasagawa sila ng regular na “camp paneling” o pagsusuri sa harap ng Kampo Camacho bandang alas nuwebe (9:00) ng umaga nang magpahiwatig ng positive reaction ang kanilang Explosive Detection Dog (EDD)-police working dog sa isang nakaparadang itim na sasakyan sa harap ng kampo ilang metro lang ang layo mula sa gate.

Ito ay indikasyon na maaaring nagtataglay ng pampasabog o Improvise Explosive Device (IED) ang nasabing sasakyan. Dalawang pang EDD-police working dog ang idinala ng mga tauhan ng EODK9 upang magsagawa rin ng pagsusuri sa kahinahinalang sasakyan at kapwa nagpakita ng parehong reaksyon.

Kaugnay nito, agad silang nakipag-uganayan sa Virac MPS bilang Lokal na Pulisya na nakakasakop sa lugar at sa Operations Branch ng CATPPO.

Dahil walang nakakakilala sa may-ari ng sasakyan, minabuti ng Pulisya na i-isolate ito sa pamamagitan ng paglalagay ng kordon at pagre-route ng daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.

Kalaunan ay natuklasan na ang nasabing sasakyan ay pagmamay-ari nina Elenor Manlangit at Epifanio Manlangit ng Barangay San Isidro Village, Virac na agad namang nakipagugnayan at nagbigay ng pahintulot upang siyasatin ang nasabing kotse.

Walang nakitang EID sa loob ng sasakyan, ganon pa man may mga gamit sa loob nito na nagtataglay ng kemikal na gamit sa paggawa ng explosive.

Paliwanag ni PCMS Joseph T Teopo, Assistant Team Leader ng Catanduanes Bomb Squad, “nakita sa loob ng sasakyan ang mga lalagyan na may lamang automatic transmission Fluid (ATF), coolant, spray paint, used engine oil, at gasolina na kumapit sa karpet, at ang brake fluid na nagtataglay ng nitroglycerine na isa sa main component na ginagamit sa paggawa ng explosive”.

Ganon pa man, sinabi ni PCMS Teope na walang dapat ikabahala ang ating kababayan, at huwag magagalit sa kaunting abala na dulot ng insidente. Aniya, ito ay bahagi lamang ng pagpapatupad ng mga safety and security procedure para masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Dagdag na paalala niya, “iwasan ang pagparada malapit sa kampo dahil pinagbabawal sa ilalim ng mas pinagtibay na camp security measures.”

Source: Catanduanes Police Provincial Office


Leave a comment..