Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Virac Vice Mayor Arlynn Arcilla nitong Agosto 19, inilahad nito ang kasalukuyang estado ng stall rental fees sa Virac Public Market.

Sinabi nitong nagpatupad muna sila ng ‘temporary’ stall rental fee sa pamamagitan ng aprubadong resolution kung saan binibigyang awtorisasyon si Mayor Sinforoso Sarmiento na makipag-ugnayan sa mga vendors o sa mga magrerenta tungkol sa mapag-uusapan nilang presyo ng babayarang renta.

Dagdag pa ni Vice Mayor Arcilla, ang market code kung saan nakapaloob ang rental fees ay naaprubahan na ng Sangguniang Bayan ng Virac at ‘subject for review’ na ng Sangguniang Panlalawigan.

Sinabi pa nitong naniniwala siyang may kakayanan ang alkalde ng Virac na magdesisyon tungkol sa temporary rental fees sa pamamagitan ng pagkonsulta sa lahat ng stakeholders.

Sa huli, sambit ni Vice Mayor Arcilla “Ang pag set po ning fees, lalo na kung alog kaini na sort of permanent in nature, it should be in the form of ordinance and we believe that ang market code is the proper ordinance na dapat nakapaloob an, but we all know in reality, medyo kaipo pag adalan and it takes time”.

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes


Leave a comment..