Face-to-face Traffic Re-routing Advisory – Dahil sa pagsisimula ng face-to-face classes ng Department of Education (DepEd) bukas, Lunes, Agosto 22, 2022, inaasahan ang pagdagsa ng mga estudyante sa mga paaralan sa bayan ng Virac (JMAMES, CNHS, Virac Pilot ES at iba pa) na magiging dahilan ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa mga lugar na ito. Bunsod nito, magpapatupad ng “traffic re-routing” ang pamahalaang bayan ng Virac sa mga sasakyang magmumula sa silangang bahagi (Bato, Baras, San Miguel, at PaViBa) na patungong San Andres at wala namang transaksyon sa sentro ng Virac upang makabawas sa pagsikip ng trapiko. Pinapayuhan ang mga apektadong sasakyan na lumiko pakanan sa barangay Capilihan at bagtasin ang kalsada patungong Mislagan Sto. Niño, Luminangas, Danicop, Calatagan Tibang at Calatagan Proper bago lumiko pabalik ng main road patungong San Andres. Hangad namin ang unawa ng mga apektadong motorista at hangad din namin ang kanilang kooperasyon sa pansamantalang traffic scheme na ito habang hindi na nagiging normal ang sitwasyon ng pasukan ng eskwela. Maraming salamat po.

Source: GO SHINE VIRAC fb page


Leave a comment..