Nagsagawa ng food distribution ang Pamahalaang Lokal ng Catanduanes para sa mga miyembro ng TODA sa bayan ng Virac nitong Huwebes, Hunyo 2, 2022.

Ang mga ipinamahaging 310 food packs ay mula sa OKADA Foundation at sa Uniteam Alliance na grupo nina President elect- Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte, na dulot ng inisyatibo ni incumbent Congressman Hector Sanchez.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni Governor Joseph Cua, Vice Governor-elect Peter Cua, Provincial Social Welfare Officer Ma. Roselle Taraya at iba pang opisyal ng PSWDO.

Nagpaabot ng pasasalamat ang probinsiya ng Catanduanes sa lahat ng nagpadala ng tulong.

Source:  PLGU Catanduanes


Leave a comment..



[fb_plugin comments]