Sugatan ang biktima na si Michael Naon Lucero, 32 anyos, gargabe collector at residente ng Barangay Hicming, Virac matapos itong tagain ng lasing sa kanilang barangay.

Ayon sa report ng Virac PNP, alas-3:30 kaninang madaling araw nang mag-amok umano ang lasing na suspek na kinilalang si Gerald Tabo Zafe, 27 anyos, construction worker, at residente rin ng nasabing barangay.

Sinubukan umano itong awatin ng biktima subalit humantong ito sa mainit na pagtatalo kung kaya’t tinaga ng suspek ang biktima sa kaniyang kanang braso at mga daliri.

Agad na isinugod ang biktima sa Eastern Bicol Medical Center habang naaresto at kasalukuyang nasa kostudiya na ng Virac MPS ang suspek.

Source: Radyo Pilipinas Virac


Leave a comment..



[fb_plugin comments]