Katuwang pa rin po ang LGU Virac sa pamamagitan ng opisina ni Mayor Posoy Sarmiento ay binigyan po natin ng kaunting financial assistance ngayong araw ang ating anim na scholars mula Catanduanes State University.

Ang amin pong buong team ay lubos na nasisiyahan dahil bagamat nasa gitna pa rin po tayo ng pandemya at mahirap pa rin ang buhay, ay patuloy pa rin na nagsusumikap ang ating mga napiling scholars. Sila po ay aming inspirasyon upang ipagpatuloy ang aming mga adhikaing pagtulong sa ating mga kababayan.

Source: GIBAC Foundation


Leave a comment..