Nagbigay ng labing-apat (14) na sets ng basurahan ang Catanduanes Riders Union o CRU sa Barangay Salvacion, Boulevard Virac.

Ang CRU ay komposisyon ng mga club ng riders sa Catanduanes.

Ito ay suporta sa programa ng solid waste management ng Barangay Salvacion, Boulevard sa Bayan ng Virac.

Ayon kay CRU Chairman Mansueto Cabañog, napansin umano nila na walang basurahan na mapaglagyan ng mga dumi ang mga tao sa boulevard ng Virac, kaya umano kanilang napagisipan ang nasabing proyekto.

Umaasa naman ang mga riders na maalagaan at maturuan ang mga tao sa tamang paghiwalay ng basura sa lugar.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..