Halos kalahating milyon umano ang halaga ng mga nakatambak na mga plastik material ang nasunog sa loob ng compound ng Tugay Junk Shop noong Linggo, Agosto 15,2021, bandang alas 10:54 ng umaga, na pagaari ni Antonio Tapel Bonagua sa Barangay Sto. Domingo, Virac, Catanduanes.

Ayon kay BFP Virac Station, Acting Municipal Marshall, Fire Inspector Marlon Vargas, hindi pa umano malinaw ang dahilan ng sunog. Sa kanilang imbestigasyon ay may nakita umanong hindi nakilalang lalaki na dumaan sa lugar bago pa ang insidente. Kung kaya’t kasalukuyan ay patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at pagtatanong sa mga opisyal ng Barangay.

Halos dalawa’t kalahating oras umano nilang naapula ang apoy katulong ang MDRRMO Virac, fire truck at volunteer responders ng isang construction company. Wala umanong nadamay na bahay dahil malawak umano ang lugar at malapit umano ito sa bundok.

Dagdag pa ni Fire Inspector Vargas, kinonsidera nilang fire out ang lugar 1:30 ng hapon. Problema sa ngayon ay kung ilan ang estimated damages sa nangyaring sunog dahil tanging stractures ang kanilang binabasehan sa danyos. Wala umano itong perimeter fence at sub-location umano ang lugar ng nasabing junk shop kung saan nangyari ang sunog.

Paliwanag pa ni Fire Inspector Vargas na kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kanilang opisina ukol sa nasabing insidente.

📷 BFP Virac

#RadyoNatinViracFM

#YourFriendYourRadio

Source: Radio Natin Virac


Leave a comment..



[fb_plugin comments]