Higit isang truck ng basura nakuha sa isang bakanteng gusali ng lokal na pamahalaan sa Bayan ng Virac

“Sa unang isang linggo ng ating pamamalagi sa pamahalaang bayan ng Virac, ang kaliwa’t-kanang basura po ang tumambad sa ating mga mata. Isiniksik at itinambak sa mga bakanteng gusali ng lokal na pamahalaan upang maikubli sa mata ng mamamayan. Katulad ng lininisan na ito kahapon sa lumang PNB building na magkatuwang na inayos ng mga manggagawa ng MENRO at ng ating mga Street Sweepers.

Mahigit isang truck po ng halo-halong basura ang nakolekta sa naturang lugar na maaaring pamahayan ng mga insekto o maging sanhi ng sunog. Ginagawa ang paglilinis kahit araw ng Sabado upang maibalik sa normal na operasyon ang ating munisipyo. Salamat sa mga taga-MENRO, salamat sa ating mga Street Sweepers.” via || Go Shine Virac

Source: GoShine Virac


Leave a comment..



[fb_plugin comments]