History

Sang ayon sa mga saksing sina Generoso Gonzales (Pay Osoy) at Epifanio Isidoro (Tang Panyo) kasalukuyang pinakamatanda sa edad na nabubuhay sa Batag, ay kanila nang sinilangan at kinalimutan, na dating Sitio ng barangay Marilima na matatagpuan ang napakaraming “MGA PUNO NG BATAG” (Saging). Taglay ang mga iba’t-ibang uri o klase ng mga bunga nito, na pinamahalaan ng mga Tininte del Barrio Mariano Calderon.

Taong 1972 sa Bisa ng Batas Republika 3590 ang Sitio Batag ay naging isang lehitimong barangay Bayan ng Virac, probensya ng Catanduanes. Pinamahalaang mahusay at makatarungan ng nooy Kapitan del Barrio Eusebio Espiritu Sr., mga Punong Barangay Pedro Talan, ang mag-asawang Lucia at Elmer Espiritu Sr. at ang kasalukuyang lingkod bayan si Alan Vargas. Sa tulong ng kanilang mga konsehal, kagawad ng mga naging opisyal ng barangay at lalong higit sa lahat ang mamamayang Batag sa ilalim ng patnubay ng “DAKILA AT MAKAPANGYARIHANG DIYOS”.