Namahagi ang Virac Rice Sector ng hybrid rice seeds para sa mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at may mga sakahan na handa nang taniman.

Ayon sa kanilang Facebook post, ito ay mula sa natanggap nilang 23 sako ng hybrid seeds na bigay ng Department of Agriculture.

Dagdag pa nila, nagiikot na ang mga panauhin ng kanilang tanggapan upang matingnan ang mga sakahan na handa nang mapagtaniman ng nasabing hybrid seeds.

Inaanyayahan naman ng Virac Rice Sector na magparehistro na ang mga nais makapag-avail ng hybrid seeds sa susunod na distribusyon nito.

Source: Virac Rice Sector


Leave a comment..