Nag-organisa ng indignation rally ang Catanduanes Police Provincial Office (CatPPO) kahapon, Marso 29, sa Virac Town Plaza, kung saan lumahok ang mga kapulisan, Philippine Army, Bureau of Fire and Protection, Philippine Information Agency, youth leaders, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Municipal Administrator ng Virac, mga dating rebelde, at mga kapamilya ng mga biktima ng terrorist group.

Isinagawa ito ng CatPPO laban sa CPP-NPA-NDF bilang pagkundena sa kanilang karahasan, pagpatay, pangingikil, at pagpapahirap sa bayan.

Source: PIA Catanduanes


Leave a comment..