Kasalukuyang nagsasagawa ng Information Caravan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Queen Maricel Inn, Virac, Catanduanes.

Layon nitong maibahagi ang mga programa at adbokasiya ng BSP sa mga Catandunganon.

Dinaluhan ito ng mga Information Officers ng iba’t ibang LGUs sa lalawigan pati na rin ng local media.

Kabilang sa mga tinatalakay dito ang patungkol sa life cycle ng pera, polymer banknote at paggamit ng digital payments.

Bahagi rin ng information caravan ang gagawing pagtuturo ng financial literacy sa mga magsasaka, mangingisda at transport groups sa lalawigan sa darating na Miyerkules, Hunyo 29.

Source: Radyo Pilipinas Virac


Leave a comment..



[fb_plugin comments]