Tumagilid ang isang dump truck sa gilid ng kalsada na sakop ng JMA, Puniton, Virac, Catanduanes, ngayong araw bandang alas-9 ng umaga.

May nakasalubong di-umano itong sasakyan kaya gumilid. Malambot umano ang lupa na nadaanan nito kung kaya’t lumubog ang gulong, resulta upang tumagilid ito.

Ligtas naman ang drayber ng nasabing truck.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..