Hunyo 26, 2022, 10:26 ng gabi, sa Barangay San Isidro Village, Virac, Catanduanes, nagsagawa ng Gun bust operation ng Virac PNP na pinangunahan ni PLT ARNEE JULIUS G DEDASE, Intel Officer kasama ang mga operatiba ng Catanduanes Provincial Intelligence Unit at ang Catanduanes 2nd Provincial Mobile Force Company. Nahuli ang akusado na kinilalang si Crisel Antonio Samudio A.K.A. “Ibon”, 25 anyos, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay San Isidro Village, bayan ng Virac matapos magbenta ng baril na improvised Shotgun “Sumpak” at apat (4) na bala nito sa nagpanggap na buyer.

Si Alyas Ibon ay dati ng nahatulan ng dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong taong 2017 at kasalukuyang naka Probation at myembro din ng “Sorreda Gang” na nagsasagawa ng mga serye ng nakawan sa bayan ng Virac at sangkot sa pagbebenta ng baril at ilegal na droga.

Nahaharap ngayon ang naturang akusado sa kasong paglabag sa RA 10591 o An Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations Thereof.

Kasalukuyang nakakulong sa piitan ng Virac MPS ang akusado samantalang ang nakuhang baril at ang iba pang ebidensya ay nasa pangangalaga ng Catanduanes Provincial Forensic Unit para sa Ballistic examination.

Source: Catanduanes PPO


Leave a comment..