Isang motorista ang patay matapos makasalpukan ang isa din na motorista sa Barangay Pajo San Isidro, Virac, Catanduanes. Nakilala ang biktima na si Jeffrey Sorreda, 33 anyos, may asawa, isang mekaniko at residente ng Barangay Talisoy, Virac.

Ayon sa paunang imbestigasyon, Abril 11, 2022 bandang 5:51 ng umaga, ng makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na may naaksidenteng motor sa Barangay Pajo San Isidro.

Ayon sa paunang imbestigasyon, habang binabagtas umano ni Jeffrey ang kahabaan ng Barangay Pajo San Isidro, partikular sa harap ng Pajo San Isidro Elementary School, ng mabangga nya ang likurang bahagi ng motorsiklo na kanyang sinusundan at minamaneho ni Jaryl T. Bonavente, 25 anyos, walang asawa at residente ng Barangay San Pablo, Virac na nagresulta sa pagkakaroon ng pinsala sa katawan ng dalawang driver kasama ang backrider ni Jaryl.

Agad naman naisugod sa EBMC hospital ang mga motorista upang malapatan ng agarang paunang lunas subalit idineklarang Dead on Arrival si Jeffrey Sorreda dahil sa tinamong pinsala sa kanyang ulo. Samantala nagpapagaling naman si Jaryl at ang kanyang backrider at hindi nagtamo ng gaanong pinsala.

Ayon pa sa imbestigasyon, wala umanong lisensya at hindi rin rehistrado ang motorsiko na gamit ni Jeffrey at may suot na helmet ngunit natanggal din ito ng mangyari ang insidente. Ang kalsada kung saan nangyari ang insidente ay hindi maganda ang road condition at basa dahil sa magdamag nap ag-ulan.

Patuloy ang ginagawang pagpapaalala sa mga motoristya na maging maingat sa pagmamaneho at magbigay ng sapat na oras kung may lakad.

Source: Virac MPS


Leave a comment..