Selos ang initial na impormasyon kung bakit nagkaroon ng pagtatalo ang isang PMFC police na humantong sa pamamaril sa kanyang asawa at pagkadamay ng 3 anyos na anak.

Sa impormasyon ng PNP Provincial command, nangyari ang insidente dakong alauna singko, Enero 15 sa Brgy. Hawan Ilaya, Virac

Galing umano sa isang drinking spree ang pulis na kinilalang si Jaymar S. Malasa, 25 anyos at nang dumating sa bahay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa habang kanlong ng asawang babae na si Joy (28) ang anak.

Dahil sa mainit na pagtatalo bumunot ng baril umano ang suspek at binaril sa ulo ang asawa at ang punglo na tumama sa ina ang siyang tumama rin sa anak.

Isinugod pa sana sa hospital ang bata subalit ideneklarang patay na ang bata.

Samantala, matapos ang naturang pamamaril nagbaril din sa sarili ang pulis.

Napag-alamang 2 and 7 months pa lamang sa serbisyo ang pulis at ikinasal ito nitong Setyembre 2021.

Source: Bicol Peryodiko Virac Catanduanes


Leave a comment..