Isang Tricycle driver na nagngangalang “Din”, 49 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Palta Small, Virac ang natagpuang wala ng buhay habang nakabigti kaninang alas-5 ng umaga.

Ayon sa asawa ng biktima na si Nanay Rosing, habang siya ay nag aayos ng kanilang maliit na tindahan sa nasabing barangay ay nagsabi umano ito na magtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa. Ngunit makalipas ang halos isang oras ay hindi na bumabalik ang kanyang asawa kaya naisipan nya na puntahan sa kanilang tahanan na kung saan nakita na ang kanyang asawa na nakabitin sa kanilang sala.

Ang biktima ay nagbigti sa pamamagitan ng paggamit isang nylon na lubid na itinali sa may concrete beam sa parteng bahagi ng kanilang sala. Agad na humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay ang asawa upang isugod sa EBMC ospital subalit ideniklara itong Dead on Arrival ni Dr. Arman S. Espinola.

Ayon kay Nanay Rosing, problemado umano ang asawa dahil sa problemang pinansyal. Ito na umano ang pangalawang pagkakataon na sumubok itong magapakamatay dahil din sa depresyon.

(Virac MPS Press Release)



Leave a comment..