TINGNAN | Karagdagang 6,000 doses ng Sinovac vaccines ang dumating ngayong araw sa Catanduanes.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang bakunahan sa probinsya para sa mga kabilang sa A2 at A3 priority group.

Samantala, masayang ibinalita sa Radyo Pilipinas ni Provincial DOH Officer Dr. Robert John Aquino na maganda ang performance ng Catanduanes pagdating sa vaccination rollout. Katunayan aniya, sa buong rehiyon ay pinakamataas ang vaccine utilization rate ng probinsya sa Janssen vaccine, batay sa tala ng DOH Bicol.




Kaugnay nito’y papayagan na aniyang mabakunahan ang ilan sa mga kabilang sa A4 priority group tulad ng mga guro at uniformed personnel.

Batay sa huling tala ng PHO, 81% na mula sa target population A1, A2 at A3 sa Catanduanes o 21,633 indibidwal ang fully vaccinated na.

| via Juriz Dela Rosa #RadyoPilipinas

📸PHO Catanduanes

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes



Leave a comment..