Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng isang pedicab driver sa isang talampas bandang alas 5:00 ng hapon kahapon, Mayo 8, 2022,sa Barangay Dugui, Too, Bayan ng Virac, Catanduanes.

Ayon sa report ng PNP, natagpuan umano ng isang lalaki, ang katawan ni Pedro Matienzo, 58, anyos, residente ng Palnab Del Sur, Virac na nakahandusay sa dulo ng talampas ng bundok katabi ng bisikleta nito.

Sa imbestigayon ng otoridad, plano sanang sunduin ng biktima ang kaniyang asawa sa lugar gamit ang kaniyang bisikleta ng aksidenteng mahulog umano ito sa lugar.

Dinala naman ng MDRRMO Virac ang katawan ng biktima sa EBMC Hospital. Ayon sa isinagawang post-mortem examination ni Dr. Elva Joson, sakit sa puso umano ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing biktima.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..