Labingpito (17) ang bagong kumpirmadong kaso ng Covid-19 na naitala sa Catanduanes, batay sa ulat ng DOH Bicol ngayong araw, Setyembre 3.

Walo (8) rito ang mula sa bayan ng Virac, apat (4) mula sa bayan ng Bagamanoc, tig-dalawang (2) kaso mula sa mga bayan ng San Miguel at San Andres, at isa (1) naman mula sa bayan ng Gigmoto.

Una nang nanawagan sa publiko si Dr. Robert John Aquino ng DOH Catanduanes na mas paigtingin pa ang pag-iingat sa Covid-19 matapos na muling isailalim sa Alert Level 3 ang Catanduanes at makapagtala ng Alpha at Beta variants sa lalawigan.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..