NEWS UPDATE | LGU Virac, tumulong na sa pagrarasyon ng tubig sa mga barangay na apektado ng nasirang tubo ng VIWAD.

Sa pamamagitan ng water truck ng MDRRMO Virac ay nakapagrasyon na ng tubig sa mga barangay ng San Vicente, San Pablo, San Roque, Concepcion at Poblacion Area simula kaninang umaga.

Ayon kay MDRRM Virac Officer Mark Matira, magpapatuloy sila sa pagrarasyon ng tubig hanggang sa bumalik ang suplay ng tubig ng VIWAD, alinsunod na rin sa kautusan ni Mayor Sinforoso Sarmiento, Jr.

| via Juriz Dela Rosa #RadyoPilipinas

📸 Mark Matira

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes




Leave a comment..