Napagdesisyunan ng Catanduanes Covid-19 Task Force for CoViD-19 sa pangunguna ni Gov. Joseph C Cua ngayong hapon, ika-27 ng Oktubre sa kanilang Emergency Meeting na gumawa ng isang resolusyon na aapela sa Inter Agency Task Force (IATF) na panatilihin sa MGCQ ang Quarantine Classification ng probinsiya sa halip na isailalim sa MECQ.

Isa sa mga dahilan na nabanggit sa pulong ay ang kakulangan ng pondo ng bawat munisipalidad para matustusan ang araw-araw na pangangailangan ng mga tao kung sakaling isailalim sa MECQ o lockdown ang buong lalawigan na maaaring tumagal aniya ng ilang linggo.

Kaakibat nito, mas pag-iigtingin pa ng mga Local Chief Executives  ang kampanya sa pagpapatupad ng Minimum Health Protocols sa Barangay Level. Ayon sa mga Municipal Mayors, sakali man na hindi maaprubahan ng National IATF ang kanilang apela, hiling nila na mapabilis ang pag-dating ng ayuda mula sa Nasyunal na Pamahalaan upang mapunan agad ang pangangailangan ng mga maapektuhan sa pag-pataw ng bagong Quarantine Classification.”

Source: PLGU Catanduanes FB Page


Leave a comment..



[fb_plugin comments]